Ito yata ang unang entry na isusulat ko sa Filipino dahil medyo sensitibo ang paksa.
Sa mga nakatira sa lungga at hindi nakaka-alam: mayroong tunggalian na nagaganap sa pagitan ng Tsina, Pilipinas, Vietnam at Taiwan sa pag angkin ng Scarborough Shoal, isang napakaliit na isla sa kaliwa ng Pilipinas na sinasabing ang pwedeng pag minahan ng langis.
Sa pinakabagong hakbang ng Tsina para ipakita ang kanilang teritoryo, naglabas ang kanilang gobyerno ng bagong disenyo ng pasaporte na nagpapakita ng mapa kung gano kalawak ang umanoy saklaw ng Tsina sa South China Sea / West Philippine Sea. Ito ay nagsulsol ng negatibong reaksyon sa buong mundo. Ang Taiwan at India ay nagsabi na ng kanilang pagtutol. Ang Vietnam at Pilipinas naman ay nag file na ng diplomatic protest at hindi na magtatatak ng mga bagong pasaporte ng Tsina bilang protesta.
"Hindi dapat masyadong bigyan ng kahulugan ang mapa [translated]", ang sabi ng Chinese Foreign Ministry. Ang reaksyon naman ni Albert del Rosario, Foreign Affairs Secretary, ay dapat alisin nalang sa pasaporte ng Tsina ang kontrobersyal na mapa.
Ang ilan sa ating mga mamamayan ay nag dadalawang isip na sa pagpunta sa Tsina bilang tumaas nanaman ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Ang mga isla sa gitna ng China, Taiwan, Vietnam, Malaysia at Bruinei ay matagal ng pinag-aawayan dahil sa potensyal na malaking mina ng langis. Kabilang dito ang Paracel Islands, Spratly Islands, at ang pinakabagong pinagaawayan ngayon, ang Scarborough Shoal / Panatag Shoal.
Sa aking opinyon, immature at kakapalan ng mukha ang paglagay ng bagong mapa sa kanilang pasaporte. Maihahambing ko ang Tsina sa isang batang nag tatantrums at nagpapapansin. Akin 'to, hindi kita bati attitude. Mahilig ang Tsina mag provoke pag dating sa issue ng teritoryo, katulad nalang nung nagpadala sila ng mga barkong pang digmaan sa Scarborough palibhasa siguro ay may kapangyarihan sila at inaabuso nila ito para i-bully ang mga kalapit-bansa.
Naway hindi humantong sa gyera ang mga alitang ito. Share an island, win a friend na lang! :)
Sa mga nakatira sa lungga at hindi nakaka-alam: mayroong tunggalian na nagaganap sa pagitan ng Tsina, Pilipinas, Vietnam at Taiwan sa pag angkin ng Scarborough Shoal, isang napakaliit na isla sa kaliwa ng Pilipinas na sinasabing ang pwedeng pag minahan ng langis.
Inyo na lahat? |
Kailangan talagang linyahan? |
Ang ilan sa ating mga mamamayan ay nag dadalawang isip na sa pagpunta sa Tsina bilang tumaas nanaman ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Ang mga isla sa gitna ng China, Taiwan, Vietnam, Malaysia at Bruinei ay matagal ng pinag-aawayan dahil sa potensyal na malaking mina ng langis. Kabilang dito ang Paracel Islands, Spratly Islands, at ang pinakabagong pinagaawayan ngayon, ang Scarborough Shoal / Panatag Shoal.
Sa aking opinyon, immature at kakapalan ng mukha ang paglagay ng bagong mapa sa kanilang pasaporte. Maihahambing ko ang Tsina sa isang batang nag tatantrums at nagpapapansin. Akin 'to, hindi kita bati attitude. Mahilig ang Tsina mag provoke pag dating sa issue ng teritoryo, katulad nalang nung nagpadala sila ng mga barkong pang digmaan sa Scarborough palibhasa siguro ay may kapangyarihan sila at inaabuso nila ito para i-bully ang mga kalapit-bansa.
Naway hindi humantong sa gyera ang mga alitang ito. Share an island, win a friend na lang! :)
No comments:
Post a Comment